tag:blogger.com,1999:blog-11987503.post116144408458617443..comments2023-09-28T05:38:56.877-07:00Comments on THE FILIPINO MIND: Andres Bonifacio - Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog (A Neglected Hero, Updated 12/04/2012)Bert M. Dronahttp://www.blogger.com/profile/06864941770380173324noreply@blogger.comBlogger4125tag:blogger.com,1999:blog-11987503.post-64807028000979232802015-07-11T05:06:42.592-07:002015-07-11T05:06:42.592-07:00what is the time and period that the story was mad...what is the time and period that the story was made?Anonymoushttps://www.blogger.com/profile/09832530213444829160noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-11987503.post-63263892142447196712009-09-08T04:10:46.513-07:002009-09-08T04:10:46.513-07:00yipeee!!!!!thanks po maxado kasi i2 ung hnap kuh!!...yipeee!!!!!thanks po maxado kasi i2 ung hnap kuh!!!kaxo pareho kau sa libro kuh!!!!huhhuhuhuh!!!!!Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-11987503.post-1164893807315489062006-11-30T05:36:00.000-08:002006-11-30T05:36:00.000-08:00SUPERMAN AT SI GAT ANDRES BONIFACIOGene de LoyolaS...SUPERMAN AT SI GAT ANDRES BONIFACIO
Gene de Loyola

Si superman ay likha ng imahinasyon ng mga tao sa sistemang panginoon at alipin mga pinagsasamantalahan at mga nagsasamantala. Hinulma ang mga kaisipan sa mga aral na mula pa sa pagkabata ay tinuruan ng abstraktong kabutihan batay -uugali, pawang kabutihan ang itinuro sa mga bata pawang pagwawaksi sa kasamaan ang idinikta sa kanila, ang pagmamahal sa Diyos, magulang at kapwa. Ang kabutihan at pag-ibig ang kanilang pundasyon ng pamumuhay.

Pawang kabutihan at kagandahan ang padiktang itinuro sa mga tao, ang pag-ibig at pagmamahal, ang pagpapahalaga, pag-unawa sa mabuti at masama, pawang mga padikta na dapat isaulo ng mga tao.

Nang sakupin tayo ng mga banal na dayuhang kastila, ito ang itinuro sa atin, Ang mga dayuhang mananakop na tagapamagitan ng Diyos sa sanlibutan, itinuro sa atin ang kanilang mabubuting gawi batay sa kanilang kultura at paniniwala. Ang ating kulturang nakabatay sa katotohanan ng kalikasan at tuloy-tuloy na kaunlaran na tinatamasa ng karamihan ay itinuro nilang masama, pagano at walang Diyos, sa halip ipinalit nila ang Krus na kung ating tatanggihan ay magiging espada upang supilin ang ating pagtutol.

Iginiit nila ang kanilang paniniwala't kaisipan na ang kanilang panginoon ay ang Hari ng mga hari at tayo ay mga alipin at sila ang Tagapagligtas.

Ang daigdig na nilikha ng tunay na Diyos ay itinuro nilang masama , masamang sanlibutan na unti-unting nagbunga ng pagkasira nito. Sila ay lumikha sa kanilang kaisipan ng bagong Langit at bagong Lupa, at ipinangaral ito sa mga tao na parang nagbebenta ng lupa sa subdibisyon may kasamang brochure at libro. Ang bansa sa malayong silangan na likha ng ating tunay na Diyos na isang Paraiso ay unti-unting winasak. Ang maganda nating kultura at pag-uugali ay kanilang binalasubas, pati ang ating wika na napakagandang wika sa Paraiso, ang wikang Tagalog ay ikiknahihiyang gamitin ng mga taong kayumangging na virus ng edukasyong dayuhang mga mananakop na ang tanging layunin aymangamkamng yamang materyal atmang aliping pangkaisipan upang ang kanilang layuning magpalawak ng kapangyarihan kayamanan at maghari sa sandaigdigan ay makamtan.

Sa ating pagpupunyagi ang unang mananakop na dayuhan ay ating napalayas mula sa ating pagkakaisa at tayo’y tumahak sa bagong landas ng kalayaan saglit lamang na sumilay upang muling lukuban ng bagong mananakop na may wagayway ng bandila ng kalayaang na ang liwanag ay kamatayan pangkaisipan at pisikal.

Ang ating wika ay binalasubas pati ang ating pamumuhay pilit isisniksik sa atin ang kanilang gawi pati ang mga prutas na wala sa atin ay isiniksik sa ating isipan mula eskwelahan sa mga bata pa lamang ay isiniksik na ang A is an apple. Ang mga tao ay hinulma ang kanilang isipan na parang robot, ang kaibhan lang ng tao sa robot, ito ay may sariling pag-iisip, may damdamin, may tiyan na nagugutom, panlasa, pandama at utak na may kakayahang umunawa ng wasto at mali sa pagtuklas ng katotohanan.

Subalit ang pagtuklas sa katotohanan ay hindi mapipigilan, tulad ng pag-inog ng mundo, ang dating mga bata ay hindi mapipigil ang paglaki at pag-unlad ng kaisipan, lumantad sa kanila ang katotohanan ng buhay na iba sa kanilang inaasahan. Taliwas sa mga itinuro sa kanila, nararamdaman at nararanasang katotohanan ipaubaya mo ang buhay mo sa panginoon, hindi ka niya pababayaan. Kung sineswerte ka ibig sabihin pinagpala ka pag minamalas ka, ibig sabihin sinusubukan ka ng panginoon kung ikaw ay relehiyoso at laging nakikita sa simbahan o kaya marami kang kasalanan. Sa dami nga naman ng di mo maintindihan at nalalaman sa mundo, iisipin mong marami kang kasalanan dahil mula pa pagkabata ay ipinangaral na sa iyo at isinaksak sa isipan mo na minana mo ang kasalanan ni Eva at Adan na namana mong kasalanan, malas mo talaga ang minana mo kasalanan, mahirap umunlad sana kung lupa at kayaman okay sana.

Para kang masisiraan ng isip, naguguluhan ka, magulo ang paligid, balik ka sa simbahan, muli nagkaroon ka ng pansamantalang kapayapaan, subalit ikaw ay pangkaraniwang tao hindi ka pare, pastor, madre o menistro, ikaw ay hindi makakatagal sa simbahan kailangang maghanap ka ng ikabubuhay ng katawang materyal, kailangan mong lumabas. Paglabas mo, muli, makikita mo ang reyalidad ng buhay, ang mundong kinamulatan mo ay nasa mabuti at masama, subalit ang problema ng lumalaking bata ay alin ang mabuti at masama? gayung siya ay tinuruan at diniktahan ng pawang kabutihan , siya ay nalilito, subalit kailangan magpasya. Naalala niya, itinuro sa akin ang kabutihan ito ang aking gagawin, ipagtatanggol ko ang mga inaapi, lalabana ko ang kasamaan, sila ay aking lilipulin, lilikha ako ng isang makapangyarihang nilalang na magtatanggol sa mga inaapi. Sa wakas kumislap sa kanyang imahinasyon ang anyo ng isang nilalang may ulo matipuno ang katawan, lalake ang kasarian, mukhang tao subalit siya ay kawangis lamang ng tao siya si Superman tagapagtanggol ng mga inaapi.

Ito ang ipinamulat sa bata, tuwang tuwa ang bata sapagkat nasaksihan niya kung paano talunin ni Superman ang malalakas na kalaban. Sa paglaki ng bata naunawaan niya na sa imahinasyon lang pala si superman, siya 'ay lulugolugong lumabas ng sinehan. Paglabas niya sa sinihan, sa loob ng isang malaking mall na maraming tao,paroot parito na para bang walang kapaguran. Napagod siya at nagpasyang umuwi na.

Paglabas n'ya ng mall nalanghap niya ang hangin, hanging mainit na hindi nasala ng aircon, ang hangin na ito ay libre, at may ibat-ibang flavor. Lalong tumindi ang naramdaman niyang pagod, naalala niya noong s'ya ay bata pa, iba ang hanging nalalanghap habang sila ay nagsasaranggola ng mga kalaro, langhap na langhap niya ang sariwang hangin, nararamdaman niyang siya'y lumalakas at gising na gising ang kaisipan. Iba ang nalalanghap niyang hangin ngayon nararamdaman niyang siya ay nanghihina at tila inaantok at kung makatulog ay di na muling magising, nilabanan niya ang antok, naalala niya si superman, siya ang solusyon sa nararamdamang problema, pinaikot niya ang kanyang paningin sa paligid, hindi pala siya nag-iisa, kinilatis niya ang mga tao sa paligid, isa isa at nagtanong sa sarile, si superman din kaya ang kanilang solusyon nila?

Parang pamilyar ang kanilang mga mukha, may humintong aircon na bus siya ay sumakay kasunod ang mga taong nasa paligid nya, nahimasmasan siya pagpasok sa malamig na bus, sila ang mga nanood ng superman. Lumapit ang konduktor ng bus nagsalita sa mga nakatayo, urong po kayo sa likuran maluwag po doon. Para siyang namlikmata mali pala ang kanyang sinakyang bus patungo pala itong Monumento dapat Fairview malapit na sila sa SM North EDSA. Naisip niya diretso na lang siya sa Monumento, titingnan niya ang Monumento ni Andres Bonifacio, isa nga pala siyang artist. Bumaba siya sa tapat ng MCU (Manila Central University), naglakad ng nagpupumilt sa pag iwas sa napakaraming naghambalang na nagtitinda sa bangketa.

Malapit na ako, nakikita ko na ang Monumento ni Bonifacio, katabi ang kanyang mga kasama, mga pangkaraniwang tao, magsasaka, manggagawa, bata, matanda, ang ganda ng pagka lilok, pag pinagmasdang mabuti, kita mo sa kanilang ayos at mukha ang hirap, tatag at diterminasyon sa pagkakaisa sa pakikibaka. Mababanaag sa kanilang mga mata ang natatanaw na tagumpay ng kalayaan ang badila ng kalayaan tungo sa tagumpay. May gumuhit sa kanyang ala-ala si Superman oo si Superman, pero si Superman ay likhang isip lamang at hindi reyalidad. Ang natutunghayan ko ngayong ay katotohanan ang tunay na kasaysayan at pangyayari sa aking bayan. Ito ang Prolitaryadong si Andres Bonifacio at ang libolibong mga rebolusyunaryong nagbuwis ng kanilang buhay upang maitatag ang ating bayang Pilipinas. Ang makasaysayang Monumentong ito na nililok ng ating Pambansang artistang eskultor na si Guillermo Tolentino, manghang mangha at halos malunod sa paghanga sa likhang sining, isang dambuhalang obra maestra. Nagliwanag ang paligid sa kanyang natuklasan, ito..ito.. ang tooo, ang katotohanan ang simbulo ng tagapagtanggol ng mga inaapi at pinagsasamantalahan, walang sinuman ang maaaring mag-alis nito ang tunay na kasaysayan ng mamamayan at simbulo ng tunay na
KALAYAAN AT REBOLUSYON NG BAYANG PILIPINAS.Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-11987503.post-1163931866973434662006-11-19T02:24:00.000-08:002006-11-19T02:24:00.000-08:00Isang Pulakong nagngangalang Jozef Pilsudski ang n...Isang Pulakong nagngangalang Jozef Pilsudski ang nakahanap ng isang paraan para paigtingin ang apoy ng pagkamakabansa ng kanyang bayan. Nagtatag siya ng kung tawagi'y mga Samahan ng mga Taongriple (Riflemen's Associations). Ang mga samahang ito, na nagbigay ng pag-aaral sa iba't ibang mga bagay (ngunit, sa pangalan lang, kadalasa'y sa pakikidigma) sa mga batang Polako, ay naging mga mahalagang kasangkapan sa muling pagtamo ng kalayaan ng Pulonya pagkatapos ng mahigit 123 taong pagkakaalipin sa kanya ng tatlong imperyo. Ang gustong idiin ng manunulat ng kumentong ito ay...bakit di rin tayo magtatag ng mga gayunding samahan? Di naman kailangang magturo ng pakikidigma sa mga mag-aaral ng mga samahang ito, ngunit magsisilbing bantay at tagamulat ng pagkamakabansa ng ating lahi. Ito'y isang mungkahi na maaari'y bigyang-kunsiderasyon.Anonymousnoreply@blogger.com